para sa akin, kalayaan ko ang pinakamahalaga indi ko maarok ang tuwa na sa sandaling balutin ako ng "KALAYAAN" sa isang panayam ng kaibigan, tinanong nia ako... "masaya ka ba kung makukuha mo ang kalayaang ninanais mo?" sumagot aq ng" depende yon.. ang kalayaang hinihiling ko ay ang malaya akong maipahayag ang aking saloobin, na kailanman ay hindi na bigyan ng puwang sa mundo". Minsan di na papancin ng tao ang kamalian nila.. tanging kamaliaan ng iba ang kanilang pinupuna.. minsan din ayaw nilang tumalima sa mga bagay na ipinahahayag mo lalu na kung mas nakakatanda sya sayo.
isa pang kalayaan na inaasam ko ay ang kalayaan ko na mgawa ang mga gusto kong gawin... lagi kong naririnig ang mga katagang ito.."WAG MO KMI SISIHIN KUNG SA HULI EH MAGDUSA KA!!". sa akin, dahil kilala ko ang sarili ko.. indi aq naninisi ng iba.. lalu na kung pinili ko ang isang bagay at natapos ito sa masaklap na pangyayari... ang tao natututo kpag ngkakamali.. ngaun kung mapipigil ang pagkakamali.. matututo ba tau? OO, pwede dba? pero ang matututunan mo ay kakapiraso lng kung ibabase mo sa sermon ng pamilya, pananakot ng kaibigan, pangyayari sa pelikula, impormasyon ng media at kung sino-sino pang mgbibigay ng kahulugan sa mga nais mong mangyari... pero indi ba mas maganda kung tayo mismo ang mge-explore ng mga bagay-bagay... at minsan bgo mangyari yon eh nakakapagisip na tayo ng mga posibilidad.. kaya nasa atin parin ang huling baraha.. kung kaya mong panagutan ang mga kakalabasan, masaklap man yan o masaya... eh di go ka.. kung hindi, mas mabuti pang wag ng tumuloi(yan ngaun ang sinsabi nila na bka di mo mkaya at bka ang iba ang sisishin mo sa resulta ng pinaggagawa mo). TAMA din na sabihin na" bat mo gagawin kung magkakasala ka..." ang mundo ay isang kumplikadong lugar na kung saan alam ng tao mismo kung saan xa madadapa sa kasalanan... pero parte iyon ng pagunlad ng tao.. naniniwala aq na pwedeng ihingi ng tawad ng tao ang kanyang kasalanan(hindi basta tawad lng kundi ang pagtalima, pagbubulay-bulay at ang pagtalikod d2). at sa paghkakataon na yon, minsan ngiisip din tau kung tuloy ba tlga o hindi... laging may "choice" ang tao... at minsan npapaisip din tau kung anu ang mga posibilidad kapag ngyari ang mga gusto nating gawin... sa akin ang mga gawain na gusto kong mgawa eh pinagiisipan ko.. ndi basta hala!! cge bhala na c batman.. indi gnun.. pagisipan dapat ng mabuti dahil ang KALAYAANG ninais ko ay bka mwala lng sa wla.. at ito pa ang dahilan ng aking pagbagsak.
so sa kahulihan... ang kalayaang nais ko ay may limitasyon din.. hindi ito bsata kalayaan na bira lng ng bira... ang kalayaan ko ay pinagiisipan, binubulay-bulay ko... bago humantong sa masaklap na pangyayari...