Tuesday, February 12, 2008

KALAYAAN!!!




para sa akin, kalayaan ko ang pinakamahalaga indi ko maarok ang tuwa na sa sandaling balutin ako ng "KALAYAAN" sa isang panayam ng kaibigan, tinanong nia ako... "masaya ka ba kung makukuha mo ang kalayaang ninanais mo?" sumagot aq ng" depende yon.. ang kalayaang hinihiling ko ay ang malaya akong maipahayag ang aking saloobin, na kailanman ay hindi na bigyan ng puwang sa mundo". Minsan di na papancin ng tao ang kamalian nila.. tanging kamaliaan ng iba ang kanilang pinupuna.. minsan din ayaw nilang tumalima sa mga bagay na ipinahahayag mo lalu na kung mas nakakatanda sya sayo.

isa pang kalayaan na inaasam ko ay ang kalayaan ko na mgawa ang mga gusto kong gawin... lagi kong naririnig ang mga katagang ito.."WAG MO KMI SISIHIN KUNG SA HULI EH MAGDUSA KA!!". sa akin, dahil kilala ko ang sarili ko.. indi aq naninisi ng iba.. lalu na kung pinili ko ang isang bagay at natapos ito sa masaklap na pangyayari... ang tao natututo kpag ngkakamali.. ngaun kung mapipigil ang pagkakamali.. matututo ba tau? OO, pwede dba? pero ang matututunan mo ay kakapiraso lng kung ibabase mo sa sermon ng pamilya, pananakot ng kaibigan, pangyayari sa pelikula, impormasyon ng media at kung sino-sino pang mgbibigay ng kahulugan sa mga nais mong mangyari... pero indi ba mas maganda kung tayo mismo ang mge-explore ng mga bagay-bagay... at minsan bgo mangyari yon eh nakakapagisip na tayo ng mga posibilidad.. kaya nasa atin parin ang huling baraha.. kung kaya mong panagutan ang mga kakalabasan, masaklap man yan o masaya... eh di go ka.. kung hindi, mas mabuti pang wag ng tumuloi(yan ngaun ang sinsabi nila na bka di mo mkaya at bka ang iba ang sisishin mo sa resulta ng pinaggagawa mo). TAMA din na sabihin na" bat mo gagawin kung magkakasala ka..." ang mundo ay isang kumplikadong lugar na kung saan alam ng tao mismo kung saan xa madadapa sa kasalanan... pero parte iyon ng pagunlad ng tao.. naniniwala aq na pwedeng ihingi ng tawad ng tao ang kanyang kasalanan(hindi basta tawad lng kundi ang pagtalima, pagbubulay-bulay at ang pagtalikod d2). at sa paghkakataon na yon, minsan ngiisip din tau kung tuloy ba tlga o hindi... laging may "choice" ang tao... at minsan npapaisip din tau kung anu ang mga posibilidad kapag ngyari ang mga gusto nating gawin... sa akin ang mga gawain na gusto kong mgawa eh pinagiisipan ko.. ndi basta hala!! cge bhala na c batman.. indi gnun.. pagisipan dapat ng mabuti dahil ang KALAYAANG ninais ko ay bka mwala lng sa wla.. at ito pa ang dahilan ng aking pagbagsak.

so sa kahulihan... ang kalayaang nais ko ay may limitasyon din.. hindi ito bsata kalayaan na bira lng ng bira... ang kalayaan ko ay pinagiisipan, binubulay-bulay ko... bago humantong sa masaklap na pangyayari...

Thursday, January 10, 2008

WALANG GANYAN SA STATES!! XD

Kwek-kwek, isaw
hula hoop na pinapasyal kasama ng puting baka
arinola,sari-sari store,choknut
bakya, cafeteria aroma, kalabaw ng boys scouts
papag..
WALANG GANYAN SA STATES!!

kulambo, amm, kalesa
seiko films, sexbomb dancers, 'sang katutak
na artista, pedicab, labandera sa waterfalls
sarao motors, albularyo...
WALA PARING GANYAN SA STATES!!!

tarsier, tikbalang, mananaggal, karsunsilyo
pambonete, seven thousand wan hundred islands
boy bawang, tabo, smokey mountain
tawas...
WALA TLGANG GANYAN SA STATES!!!

pampalaglag, bunot,
pawin, bagoong, jeep
kariton, kubo, ibong adarna
piko, shiato...
WALA..WLANG WALANG GANYAN SA STATES!!!

dispatcher, cigarette vendor, tong-its
sakla, buro, talaba
Matutina, Lito Lapid,
Ben David
WALA, WALA TALAGANG GANYAN SA STATES!!!!

starstrucks, banawe experts
security guards na payat
manila bay, kapeng barako,
domestic helper, poll na tabi-tabi
boracay, chicharon, balot..
WALA SINABING GANYAN SA STATES!!!

tsismisan, kotse-kotsehang lata
paltik na baril, sabungan
ayos na kalsada tapos sisirain
tapos aayusin, barong, celphone snatcher
boxingerong mariming commercial
watawat ng pilipinas
WALA TLGANG SINABING GANYAN SA STATES!!!

KAPAG SINABI KO PONG WLANG
GANYAN SA STATES,WALA...
WALA TLGANG GANYAN SA STATES!!!

DIBA SINABI KO? BAT AYAW MONG MANIWALA?
SINASABI KO SAYO NGAUN, WALANG GANYAN
SA STATES!!

BAT BA AYAW MO MANIWALA?!!
SINABI KO NA EH!! SABI KO NA NGANG
WALANG GANYAN SA STATES EH
HUHUHUHU....

tangkilking poh natin ang sariling atin...
YABANG PINOY!!!
XD

takte..basahin nio toh..this is great..wooohhooo

Whoever wrote this brilliant piece should be commended. Save for some "brutal" terms (which I think is just necessary), this one is worthwhile to read.....

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila
taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang
namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong
nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya
ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang
mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga
ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano
na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin.Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran angnararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto
magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero
walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin.
Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng
buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala
sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:

"INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

Asan na ba c SUPERMAN??

Part 1
nung linggo ay mabilis aqng ngbihis para sa akin pasok kina-umagahan... antok na antok aq dahil 3 gabi na aqng wulang tulog... una dahil review aq ng exams, pangalawa ay inabot aq ng usapan ng pamilya na inabot ng 4 apat na oras at pangatlong gabi ay dahil umatend aq sa sa debut ng isang di kilalang tao na isa rin kabobo...pero di yan ang ikukwento ko...

linggo ng umaga ng nglalakad aq papuntang bus terminal upang pumasok.. antok na antok aq... balisa dahil iniicip ko ang kamalasang inabot ko ng nkaraang isang linggo.. nglalakad aq nun ng makaagaw pancin sa akin ang isang tricyle na nkaparada sa tapat ng isang tindahan na sirado pa... may tatlong nilalang doon na sa aking tingin ay isang pamilya. tatay, nanay, at anak na tingin ko ay nsa 2 taong gulang pa lng... pro kakaiba ang pamilya na ito dahil isang wasak, basag na pamilya ang nkita ko... ubos lakas na sinisipa ang tatay ang ina n nkaupo sa sidecar ng tricycle habng kalong ang kanilang anak... minumura, sinusuntok, sinisipa ng ama ang kanyang magina... ndi na aq makikialam kung di dahil sa lakas ng iyak ng kanilang anak... agad aqng tumakbo sa katapat na grocery store na may nkaduty na pulis... humingi aq ng saklolo... tinungo ng pulis ang pingyayarihan ng kaguluhan... akala ko agad niyang pipigilan ang ama ng pamilyang iyon... ngunit sa kasamaang palad tulad ng mga nkikiusyoso eh na nood lng xa... di ko na napigil ang aking sarili... tinakbo ko ang pamilya.. at tinapat ko ang paa ko sa mgiina dahil isang malakas na sipa n nmn ang bibitawan ng ama... tinamaan ang paa ko pero di ko ramdam ang sakit... natigilan xa at tumingin sa akin...

"bakit ba nkikialam ka d2? tangina mo tumabi ka jan!"sabay sipa uli sa aking paa na nkaharang sa kanyang mgina...

"di ka ba naawa?.. aq na lng saktan mo"...ang tanging salita na binigkas ko...

"tangina mo pala eh!! wag ka makialam!" sabay suntok sa panga ko.. di p n kunteto sinundan pa uli ng 2 sapak n nag paatras ng bahagya sa akin..

"masaya ka na?" tanong q

tatlong sapak pa ang binitiwan nia ngunit di na gnun kalakas..

"isa pa!" di ko alam bat un ang sumunod na binigkas ko

dalawang sunod na sapak pa ang tumama sa mukha ko at dibdib ko..

"tama na pwede?" ang bigkas ko... di dahil masakit na ang mukha ko.. dahil ndi maganda sa anak nia na nkikitang nananakit ang kanyang ama...

natigilan xa...
tinungo ang magina at umiyak... humingi ng patawad sa magina nia.. at hinarap aq.. humingi rin ng tawad... at ngiwan aq ng salita sa kanya..." maawa ka sa magina mo... mahalin mo cla.. dahil bka sa bandang huli mgsisi ka..." di xa sumagot pero alam ko, naliwanagan din xa... tinungo ang tricycle at pinaandar ito..
nkita kong binuhat nia ang kanyang anak at inilagay sa kanyang harapan na parang ang bata ang ngmamaneho ng sasakyan...

aq nmn ay dumeretso sa aking paglalakad papuntang bus terminal...
habng umuuposa bus ai naicip ko kung bakit wulang dumating na superman... asan xa? kahit c lastikman wula din...


PART 2
miyerkules ng hapon.. bumili aq ng bigas sa palengke dahil wula ng bigas sa bahay... isa n nmn kaguluhan ang aking nakita.. isang pulis at isang bata na tingin ko ay 4 na taong gulang pa lng...
tulad ng unang problema na nkita ko.. wula man lng nglakas loob na tigilan ang karumaldumal na gulo na yon...

nakita kong hinahampas ng pulis ng kanyang batuta ang namimilipit na bata.. hinawakan ko angh kamay ng pulis..

"tama na.." ang sabi ko

ng makita ko ang sinapit ng bata... mgkahalong awa, galit, pagdaramdam, at bagabag ang naramdaman ko... halos mgkulay ube ang siko ng bata dahil sa tinamong parusa..(kinikilabutan aq... di ko kinaya yon) gusto kong di na mgsalita at aq nmn ang mnkit dun sa pulis... inisip ko aq nga ung di ko lng nmamalayan eh... ung wulang kaalam-alam.. tapos tapikin ka sa nbalikat minsa masakit na eh.. ung hampasin ka pa kaya ng batuta ng makailang beses.. dagdag mo pa ang edad ng bata at ng humahampas.. talagang galit ang bumuo sa pagkatao ko ng makita ko ang sinapit ng bata... pero nkapagtimpi pa rin aq...

"bakit mo hinahampas ung bata?"tanong ko

" ang kulit eh takbo ng takbo kanina pa"

"boss tumatakbo lng nmn pla eh.. wula nmn plang binabasag o sinasaktan eh"

" eh di nga matigil.. at may diperenxa yan"

natigilan aq... aun na ang sagot.. may kawala pa kaya tong pulis na to sa bibigkasin ko? tanong ko s icip ko..

" aun pla eh may diperenxa pla eh... bakit mo pinapatulan.. cnu sa inyo ngaun ang mas may deperenxa?..."

".. at di mo b alam na wulang bata ang hindi makulit... lahat ng bat boss makulit yan.. dahil natural yan..."

di xa umimik...ngpatuloy aq

" icipin mo nga, kung anak mo ang may deperenxa at nakita mong ginaganyan din ng ibang tao... anu ang mararamdaman mo?!"

di pa rin xa umimik.. marahil ngiicip xa sa mga nasabi ko...

"kung di mo xa mapigil... anjan ang outpost nio... bat di mo xa dun dalhin... o di kaya nmn hayaan mo na lng.. tutal wula nmng inaagrabyado ang bata eh....

tuluyan na xang natahimik...

"anu pang gingawa mo jan?"

binuhat nia ang bata at humingi ng tawad... isinakay sa tricycle
at sinabi sa driber na.." bos sa ospital..dali"

ng mkarating aq sa bahay.. inicip ko uli asan ba ang mga ngtatangol sa bayan... ndi ba dapat ung mga pulis na un...
pero wula.. bagkus ang una ng pulis pinanood lng nia.. mas mahalaga sa kanya ang holdap,bank roberry at kung anu anu pang krimen na minsan lng makita sa paligid... andun na ang problema.. pero nahiya xa dahil sinabi nia sa akin.. "di ko nmn problema yan eh"... ang pangalawa ay xa mismo ang gumagawa ng krimen...

asan ba c superman...
naicip ko ang swerte ko pla nakita ko na xa...
nsa puso ko...

kahit sino pwede magligtas ng buhay

15 things men should know about women..

dhil season op lab and sharing

gusto ko ishare ang ang ilang tips para sumaya ang lablayp ng mga guys jan na sawi at lonely ngaung xmas... at bka ang grade nio sa kanila ay maging A++ pa. may time pa...

just take this from ur master chin

15 things men shud knoe bout women!!!

15. gurls love it when a guy feeds them--- i dont mean spoon feed. They like a man who appreciated their passion for food, especially desserts.

14. [ they want us to treat dancing] as if we are making love. Good things happen when you do things w/ passion.

13. being vain, regardless if your a guy or a girl is a gud thing. i mean people shud be full of themselves, but they shud want to take better care of themselves.

12. im not sure if gurls could date a person, who was obsessed w/ anything. they can really appreciate passion bec. it shows who that person is, but obsession... i dont know_ it might be a lil weird.

11. filipino men are shy for some reason(aminin!). it wud actually be refreshing if a guy came up to a gurl while she was doing her groceries or having her morning jogging and tried to strike a casual conversation.

10. when u give ur gurl sumthing, it sgud reflect who she is-- its either means u listen in class or you've done ur home work. EX. if they are old-fashioned girls and a hopeless romantic, give them this things.. chocolate, roses, teddy bears, jewelry would woo them. gurls also appreciate surprises.

09. roses never go out of style.

08. gurls want to feed their ego. they want to be reminded that they're beautiful so its nice to see people glancing at them.

07. gurls always like a good laugh, so learn to have a sense of humor.

06. guys shud not use pick-up lines at all. learn to be subtle. dont hard self urselves. i mean, if u can hack it then its good, but if u cant, dont even try bec. you'll only be setting urself up for humiliation.

05. men shud learn how to give importance to themselves, dont compromise urself into becoming mediocre.if u dont measure up to challenges then what are u good for?

mediocre(mee-dee-oh-ker)- ordinary, average... example medocre guy, mediocre homework...

04. good family values is always a plus to girls. men shud have a firm belief in sumthing.

03. when u take a woman out on a date, make sure you bring her home. no matter how far she lives, even if she lives in Jolo, bring her home!!!

02 gurls are very competetive.. u cant argue with them... trust me..(palaban yang mga yan). they are hard to break.. sabi nga ni KC... " study shows women outlive men"... true!!

01. gurls are easy to fall in love. so dont let them fall for u if u gonna hurt them.. malakas ang karma sa ating mga boys..

so kau na bahala from ur online trash can..chin chin XD

so whats may grade honey? XD

p.s.

magaling aq mgenglish noh.. hekhek

Road Trip: reloaded

i woke up 5:15 in the morning, nov 30, 2007... i did my everyday rituals then finally i was about to leave the house. as i walked to the jeep terminal i thought that this could be my lucky day.. i woke up early, my mom did'nt scolded me a few hours ago... so here comes the ride of my life... i saw what i was searching... a jeep thats says "balibago". i sat at the end of the seats(just at the back of the driver). i paid my fare and kept my self still.. then i felt that rain drops were dripping down the rooftop of the jeep... what the...!! i didnt bring an umbrella or jacket.. well despite of the bad weather i still kept my thoughts still and 2 minutes later i felt i was closing my eyes...may be i should take a nap since i was caught in a traffic jam(bullshit)... suddenly i felt a man sat beside me.. i realized that it was a beefy, fat old man... he tapped me and says, "boy usod nmn oh... ka payat na tao nkabukaka"... i move closely to end of the seat... i didnt say a word to what the man has said...i just wisphered to my self, "matanda yan... pagpaexenxahan na"... i just slumped back to sleep... finally after an hour i was in front of my school... yes!!! my class hours was uhhm okei, bit boring...heheheh... den around 5:20 i heard the bell sounded... ahh yes .. now i could go home and eat my merienda... wen i arrived at the waiting shed outside the school gate i found the seats were all taken up, except the seat beside a girl... wait a minute.. she's my classmate last semester at my english subject who i never talked with the whole sem... if its not because of my feet that were complaining i wouldnt sit beside her... if she doesnt want to talk to me, fine.. does she thinks that im not on her level,fine.... i just thought that theres no traffic at the raod... as i reached "balibago" again i saw a red paint in one of the L300 van...."PACITA".. whew no worries just two more rides and im gonna be on my house... i sat at the middle area of the bus... paid again my fare and felt asleep again... when my senses were awake again i felt my head was leaning on a shoulder...it was not firm so i thought maybe it was a girls shoulder...WHAT!!?? i was leaning my head on a complete stranger... when i open my eyes, a smile greeted me.. and i realized that it belongs to girl at my english class.... whaa.. well i just stand up because i was on my next and last stop... yehey!! one more ride to go!! now i not sleepy... i just stare at the other vihicles wen i sit inside the jeep... then finally the engines wer on now... but again it rained.. its okei.. the jeep wer not full wen we left the terminal... 3 seats wer left empty... then the jeep stops. passengers started to go in. 1, 2 ,3 5, 8, 10, 12.... can you do math... i hate math... 12 little kids went inside.. 12 kids in 3 sits... what the heck!! i dont know what they did to be comfortable.. 9 kids wer at the seats the rest wer on the hot,hard floor of the jeep... now im pissed-off... im feeling that i was in an oven.. it was very hot.... den this kids were having their discussions... they wer complaining to each other about "CAPTAIN BARBELL" and his yellow suit.. one of them said, "bakit dilaw? bakala ata cia eh... den they started singing the theme song..." tibay at lakas ng luob ang iaalay..." den one of them shouted "para ".. the jeep stops and then seconds ago the vihicle runs again... then i was staring the faces other passengers , i realized that it was not just me who were smiling at all...
XD

ngmamadali aq nito..
bahala ka na umintindi
hehehe

Wednesday, January 9, 2008

Road Trip

Nakasakay na ba kau sa jeep? Oo, jeep.... J E E P!!! JEEP!! Aq oo. tinanong ko ito dahil may mga iba jan na sa tala ng buhay nila eh di pa nakakasakay sa JEEP... Kamakailan lng umuwi aq sa amin galing sa madugong lalabanan sa skul ko... madugo kasi nagdudugo na ang kamay ko sa kakatrabaho sa linsiyak na gym ng unibersidad namin.... naghintay aq ng jeep na masasakyan sa labas ng gate ng skul... hay ayos, walang ibang tao maliban kay manong n natutulog sa halamanan.... whew!! 1 oras na wla pang humihinto para pasakayin ang musmos na batang tulad ko.... magkahalong saya at lumbay ang dama ko.... saya dahil alam ko mahaba man ang lakbayin eh makakarating ako sa bahay ko.. at lumbay dahil sa mga oras na yon lowbat na ana Nokia 3310 ko... after 98 years may na awa din na driver sa akin....ok ang luob ng jeep.... maluwang naman sa tingin ko.. kasi nakakahinga pa ako.... nakatulog aq pagkatos ko magbayad kay manong....hanep!!! sakto paggising ko balibago na.... pumara ako agad..tingnan mo nga naman ang swerte... isang plakard ang sumalubong sa mata ko... PACITA... yehey walang pagod maghanap ng jeep!!!! ayos ngayon talaga maluwag na, dahil wala tlagang pasahero si manong.... dahil walang kausap si manong ngkwentuhan kami... ang topiko namin ay ung nakaraang "ELECTION 2007"...hanep si manong... parehas kaming galit kay madam president... kaya lng ng tinanong niya aq kung sino ang ibinoto kong senators ngreply lng ako ng "nong indi pa po aq bumuboto kc kakasapit lng ng ika-18 bert dey ko nung march.. indi po aq humabol sa rehistro eh".... sa totoo lng wla akong naintindihan sa mga pinagsasabi nia.. ang alam ko lng parehas kming galit kay madam president... namalayan ko na lng na huminto si manong dahil SM sta. rosa na... wow!! ano to'... EDSA revolution... linsiyak... ang daming sumakay... hindi agad ako nkagalaw dahil una-unahan sila....whaaaa... ang init!!! Maya-maya naka-agaw pansin si ate na nsa harapan ko... Ang ganda,sexy at bagay kami( never mind the last 3 words). Nakakatawang pagmasdan si ate kung g*g* akong tao... kasi naman nakuha pa ni ate na bumukaka sa masikip na jeep... parang gusto kong kagatin ang kili-kili nya at sabihin " ate ur hot, kya lng wag ka ng magpa-amoy ng _ _ _ _ mo" kasi samut-sari na ang amoy na nasisinghot ko gawa ng mga nakalabas na kili-kili... pero wlng epek ata kay ate ang mga body language ko... Bahala ka jan putaktihin ka sana ng mga surot!!! Bwiset!! Hay sa wakas PACITA na... nakatakas din aq sa gayuma ni ate... nakakatawang isipin na jeep ang tawag nating mga pinoy sa jeepney...pinagtatawanan tuloy tayo ng mga kano, dahil gumagawa daw tayo ng mga lenggwahe na tayo lng ang nkakaintindi... sorry lahi ng shortcuts tayong mga pinoy este pilipino... beep beep!! tigil... ur hitting the red light..... nu kaya yun...

BULLSEYE!!! ang tamaan...

"tinitignan mo ba ang basong kalahating bawas, o kalahating puno?hinde lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"...

ngaun ko lng na realized ang malalim na kahulugan nito... may mga tao tlga sarado utak minsan.. ayaw tumanggap ng mali nila... eh ano kung mas bata ang kaharap mo at natalo ka... eh sa nalaman mo na gnun ang buhay at kulang ang interpretasyon mo sa mga bagay-bagay eh... minsan ndi lng sa mismong bagay ituon ang mga pansin... tingnan din natin ang mga nilalaman ng damdamin ng mga taong kaharap natin...

hindi porke't gnun na ang sitwasyon eh gnun na tlga yun...

hinde lahat ng pagkakataon ay gnun.. malay mo ang mga taong nsa paligid mo eh may kanya-kanyang interpretasyon sa pangyayari na hindi mo maarok dahil naka-base ang utak mo sa mga natural na bagay na sa araw-araw mo nakikita.. kaya gnun n lng ang pagbibgay mo ng iterpretasyon sa pangyayari o sitwasyon...

maging open-minded ka... alamin mo ang saloubin nga nkakarami at hindi 1,2,3 tao lng ang tanungin mo... kundi marami.. dahil malay mo pareho lng kau ng interpretasyon ng 3 tao na kinausap mo...

My portrait as a writer

He is a thin guy with more bones than muscles.
He always walks in a hurry but is always late.
He tries to stand tall but he's only 5'6".
That is he, a smurf who never grows.

He wears square shoes, fabulously ridiculous and old fashioned.
He wears eye glasses, too giant for his bulging eyes.
He carries an orange notebook and a two inch pencil.
That is he, a fashion model at the wrong time.

He sleeps too early and wakes-up late.
A trouble maker everywhere he goes who wears a peace of loving smiley.
He bursts out with optimism but later cries and surrenders.
That is he, a indirect pessimist.

He loves to write weird and nonsense things.
He loves to write anything even the supid and absurd.
He writes everything to her delight until he becomes hungry.
That is he, a creepy write and a picky eater with an alien appetite.

He forgets everything more than once in a day.
He is not a Vegetarian and yet he thought he is a green leafy carnivore.
He believes he can't do anything right----never.
That is he, a walking inferiority complex.

He smiles when you see him.
He dreams at night and sings out in tunes at daytime.
Still, he thinks he's a simple guy inside.
He can't be anything else but ordinary.

He has the hands of an old man;
Yet, it weaves beautiful words nobody understands.
They are painful sometimes------ oftentimes.
Yes, he writes about pain. He feels it always(huhuhu).

He himself is pain.

At one corner, he smiles big enough to fool everyone;
And imagine mostly of things untouched by mortal hands.
That is he...
a writer who spews words more than a pen's lead could
leak...

BLIND DATE!!

Part 1

After a while , living alone tends to get boring. It's been quite some time since I've said a word other than "hi" to a female. It's not like i did'nt try to be friends with them but for some strange unexplained reasons I could never think of anything to say other than "hi." So i decide to stay single. Now i was learning that being single wasn't quite that pleasurable. If only i could have found a way to bring the beautiful words in my head to my mouth then maybe life for me would have been different. Add to that, the fact that im nearing 20 and you can understand that im getting a bit desperate. But now i believe that my unfortunate predicament is about to change.

The computer is a glorious invention of man. It is capable of making a shy unsociable geek like myself seem like a smooth talking stud. It is this tool that i shall now use to help me find a suitable companion. In fact im already in what people call a chatroom right now.

It seem like the people here have very peculiar nicknames. No doubt about their means for decribing themselves. One name strike my fancy. "Pretty." Since im, going to choose someone at random. I might as well choose someone with a pretty name after all; it would be nice if my future mate is of suitable appearance. So now it is time to begin chatting with her. There shall be no more nervousness and incoherent rambling from me. Now I shall be able to think of my answers carefully and i shall be able to check before i send.

chin-chin: hi

i have said it so many times i have practically mastered its use. they should call me master of hi.

Pretty: hello

strange, it must be some kind of variation of the word hi. i shall assume its meaning is the same.

chin-chin: so where do u live?

Pretty: 214 chuvaness street, pacita

chin-chin: i live in 143 amfness street just 3 blocks from where u live

Pretty: imagine that

for a few seconds there i was actually typing spontaneously without thinking. still i wonder what she wants me to imagine. But i really should think about what to say next or should say what type next since im not really saying it. i know. i shall ask her to provide the subject for conversation.

chin-chin: anything you want to talk about?

Pretty: anything's fine with me.

she must have multiple interest and talents to be able to talk about anything. yet the task of providing a topic for conversation has once again fallen on me.

chin- chin: so what is your favorite food?

an inspired question if i may say so myself. what else do all people do but eat. therefore it is safe to assume that she too has a favored recipe.

Pretty: you mean as in place to grab som chow?

that wasn't my expected reply, then again it's better than the classic no which i have heard more times than i would like to remember. or maybe she is just confirming my question in some strange manner. at any rate i must type something now.

chin-chin: yes

Pretty: i love hanging out in McDonalds

now i understand. her favorite food is at McDonalds though why she wants to hang out there i have no idea. hanging is for monkeys. still no one's perfect. and come to think of it the food there is quite good. best to let her know that i, too like Mcdonalds

chin-chin: i also enjoy the food there

Pretty: cool! hey wanna meet there tommorow at lunch?

this is unbelievable. usually females would be running away from me now but this one actually wants to meet me. its seems like my lonely days are about to come to an end. we shall meet tomorrow my Pretty.

chin-chin: good idea

Pretty: whatcha gonna wear?

chin-chin: i shall wear a cap and sun glasses

Pretty: neat. i gotta split now c u den.

Part 2

this is quite exciting. i have not experienced this amount of excitement since turning on my computer last night. its 5 to 12. she'll be here pretty soon.

"excuse me mister but were you the one whom i talked to last night?" said a voice from behind.

i turned my head and was shocked. this wasn't a female but a girl. she was barely 13 and her hair already turned in different colors.

"who are you?"

"im trisha mae tolentino. also known as Pretty in the chatrooms."

the shock on my face was slowly being replaced by a look of confusion though i doubt anyone could tell the difference."dont tell me you were the one i was chatting with last night?"

she let out a smile. "that was me alright. i was wondering watcha were like, but i never thought that i was talking to an antique."

(^%#*!@$ toh ha!!!)

this girl was a little wise for her own good. " well i thought i was talking to an actual full grown chick."

"ewwwww. you thought i was a grown up. yuck.($#@!$#@ tlga toh!!)goodbye mister watever your name is." she shouted

well that didn't go so well. still i actually had a conversation with females and i wasn't shy at all. in fact i just seemed to react naturally. maybe thinking about what to say all the time isn't the best thing to do while talking. i really must do this more often. if only i could do it with a female who is older.

Ika-nga ni Bob Ong...dakila ka...ur da man!!!

Sa mga kabataang nanghihingi ng words of wisdom at laging nag-aakalang meron ako sa bulsa, meron nga. Ito, hindi ko ginagamit, inyo na lang:

Kumain ka na ng siopao na may palamanag pusa o maglakad sa bubog na nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nilang kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.

Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, magnhihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)

Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galling mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sprots fest, o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre-report sa trabaho para lamang matulog.

Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.

Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan s asarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. Wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa Jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa ngayon sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?

Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mong maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng mga estudayante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinkamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay naming para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!

Mangarap ka at abutin mo ‘to. Wag mong sisihin ang sir among pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.

Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, tingin ko. Nangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon at hindi bumili ng libro ko.

Sa panghuli, higit sa lahat, magbasa ka ng libro. Kung nabasa mo lahat ang mga libro ko, salamat. Pero kung makakabasa ka pa ng ibang libro bukod sa mga isinulat ko o mga ipinabili ng teacher mo, mas magaling. Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. Ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan—kung puno ka! Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailan ng sustansya. Maraming pagkakataong kakailangin mong sundutin yon. At sa bawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha.

Sana mabasa ng mga kailangang makabasa.

**The following is taken from Stainless Longganisa by Bob Ong. If you have time I suggest that you read the whole book.

Antayteld...

The greatest want of the world's the want of men.
Men who will not be bought or sold, men who in
their inmost souls are true and honest, men who
do not fear to call sin by its right name, men whose
conscience is as true to duty as the needle to the pole...

Chat logs Part 2

chin:haayyy..

girl: bkit po?

chin: wala
hehehe
msama bng mag haaaaayyyy
?
;)

girl: hehe(ignore)
wala lang po
:p

chin: ay
ganito n lng :'(
dto n lng ako mag emote
:'(

girl: waaah(cant stand any longer)
wag nman ganun

chin: ngaun lng toh
pagbigyan mo n aku
ganito nmn aku eh

girl: :'( (isip-isip kunwari)

chin: sa simula lng

girl: sorry ha (iyak ka mgisa mo)

chin: bigyan mo aku ng 2 weeks
oki lng
alam ko nmn kse ung pinapasok ko eh
kya it's my fault as well

girl: still...
haaay
sori ha

chin: u dont have to say sorry anymore
i was hurt.. coz i allowed myself to get hurt
pde nmn ako mag no before

girl: i never wanted to hurt you (tanga ka lng kz)

chin: pde nmn ako lumayo
but i chose to stay db?
u never did hurt me intentionally..
ayun

girl: :(

chin: wala n pla ako msbe

girl: i just want you to be ok
sorry kung pinatagal ko... lalo ka 2loy nahirapan
:(
ndi ko ksi mapigilan ang sarili ko eh
sobrang saya pag kasama kta
pero reality finally settled in
and i realized na ung ginagawa ko is unfair to both of you
you deserve to be wid someone that can go all the way
give you everything
and i cant do that
narealize ko, the longer dis goes on... the harder its gonna be for us
and i dont want that
i just want u to be happy(hay sa wakas.. nsabi ko rin)

chin: un lang... gnun lng un (finally realized)

naglaro lng kmi ng jack en poy!!!

Chat logs!!!

girl: sorry ha..

chin: nde mo nmn kelangn mag sory.. wala k nmang gngawang masma eh.. tama b aku? i love you

girl: :( ayaw kong malulungkot k dahil sken

chin: nde nman eh.. msya nmn aku ksma ka.

girl: i love you too, sorry tlga ha..

chin: ayan n nman tau.. tma na ang usapin na un.. sbe ko nga naiintindihan kita..

girl: haayy.. i just wish i cud give you more.. God knows you deserve more than this.. i just want you to be happy

ndi ko kyang mgalit sau... ikw lng ang ngpapasaya sa akin... bumalik ka na plz!!!!

Mga dapat tandaan bago ka magsuicide...

Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan ng pagsu-suicide.. Kung ang problema mo ay dahil lang sa iniwan ka ng minamahal mo, o nwalan ka na lod sa cell phone di k dapat magpatiwakal! Hello?! Ang mundo ay tambak ng
mga tao na pwede mong mahalin kya di ka dpatmwalan ng pagasa. At tambak din ang mundo ng cellsites...


Ngunit kung desidido ka na sa gagawin mo at satingin mo ay meron kng tamang dahilan pra gawin ito, ang sunod mong gagawin ay ang pagpili ngparaan nito. Ang mga gung-gong na paraan ay ang
pagbigti, paginom ng lason, paglaslas, pagbaril sa sarili at pagpigil ng hininga.

(Note: 1. tandaan na maari k png mabuhay pagnagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa na hiyang
sau.)

(Note: 2. Alalahaning dyahe kung pagtitinginan ng mga tao ang mukha mo sa ataul na muka kng dehydrated na langaw.)

Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting! dito mo pedeng sisihin lahat ng tao, at wla clang magagawa! Sbhin mo na di mo gus2ng tapusin ang iyong buhay kaso lng badtrip clang lahat! Pero
wag ding kalimutang humingi ng tawad sa bandang huli pra cool pag ginawan ni carlo j. caparas ng pelikula
ang buhay mo

(Note: Tandaan n importanteng gumawa ng suicide note pra malaman ng tao n ngsuicide k at hndi na-murder! Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong
tambay pra gawing suspect:-)

Isulat ng maayos ang suicide note. Print. Iwasan ang bura. Lagdaan.
(Note: Ilagay ang suicide note sa lugar kung saan madaling makita. Idikit sa noo!)

Pumili ng themesong. Banggitin ang iyong special request sa suicide note at ibilin na patugtugin sa libing.

(Note: Iwasan ang mga kanta ng Salbakutah! Jologs!! Dapat mejo mellow at meaningful..2lad ng mga kanta ng SEXBOMB lyk taktak mo,spaghetti.. para gayahin ng iba!)

Planuhin ang isusuot. Isang beses k lng mamatay kaya dpat memorable ang get-up. Pumiling telang di umuurong o makati sa
katawan

makatiItaon ang araw ng iyong pagsu-suicide sa ung fav. no. sa calendar pra masaya! Kung naplano mo na lhat-lhat, naipasa mo na ang police clearance,ngpabakuna, may voters i.d., at driver's licence ka na... eh pwede mo nang gwin ang kalugod-lugod na gawain.. enjoy ur meal...

Magpareserve ng de-kalidad n kabaong. Maganda ang kulay n puti, mukang komportable. Huwag magtipid.

Pumili narin ng magandang pwesto sa sementeryo. Pumili ng di masikip.

(Note: Kung ikw ay nabibilang sa Year of the rat, Dragon, rabbit, tiger, beef or monster. Wag na mamili ng lilibingan sapagkat ang mga nabibilang sa taon n e2 ay dpat i-cremate at gawing foot powder,, pra gumaan ang pasok ng pera sa mga naiwan.)

Hay kung sawa ka na mabuhay 2lad ko eto ang mga tip pra tapusin mo ang npakalungkot, miserable, at walng kwentang buhay mo… pero kapatid tandan mo rin n anjan pa Sya… n pilit taung sinusubok pra lumakas pa ang ating sarili laban sa hamon ng buhay at pagibig (naks pwede na akong makata). Pero kung talagang ayaw mu na heto ang paraan… so enjoy it…

The "WHY's" in LOVE

Exhausting, Aggravating, Impossible, Tiring... Hurtful.
Why does it always have to be that way? Can't everybody just be happy? Why does loving someone always have to hurt twice as much than it makes you happy?

These are the questions I usually hear from a lot of depressed people. I, myself, have asked these questions a few times before. And believe me, everytime I utter these words, I bear a GREAT deal of pain.

And to overcome that "great deal of pain", instead of gobbling lots of sleeping pills or trying to slit my wrists, I was able to come up with simple yet sensible answers to these unbelievable questions. I would like to share them with you, if you don't mind.

Why does it always have to hurt?
Because only by being hurt will we be able to learn. For every unnecessary mistake and bitter experience, a scar will be carved in our hearts and minds, and that scar will always remind us of what we should or should not do the next time we fall inlove. So if it doesn't work out for the both of you, just think of it as another wound that would heal in time and eventually become a scar.

Why isn't s/he the one?
Some people just come into our lives to teach us a lesson, (or, as a matter of speaking, "give you a scar") but they just can't stay. Why? because somebody better will eventually push them out of your life... until the right one comes. What you should do is to accept from the start that no matter how you love him/her, there is a possibility that s/he is not the one for you.
You shouldn't hold on to someone too tight so that when time comes that s/he has to leave, you wouldn't be hurt too much to the point that you would want to kill yourself. :o

How would I know if s/he is "the one"?
That's the art of it--- you don't have to know! See, if you knew that s/he isn't "the one", would you give your all? Ofcourse not. Probably, there wouldn't even be any love at all! So, in other words, you wouldn't be hurt a bit. And remember when I told you that only by being hurt will you be able to learn? So, how would you learn anything if you wouldn't be affected at all? What I'm trying to say is that treat every one that comes into your life like s/he is "the one", because you'll just
never know if what you have now is irreplaceable. Just remember, don't hold on too tight. :)

I hope that somehow, I've helped the hopeless... I know how it feels, you know, because I once was one of 'em...
(And it hurts like hell... T_T)

Ayaw ko na!!!

Sam: I know. It's all wrong. By rights we shouldn't even be here. But we are. It's like in the great stories, Mr. Frodo. The ones that really mattered. Full of darkness and danger they were. And sometimes you didn't want to know the end. Because how could the end be happy? How could the world go back to the way it was when so much bad had happened? But in the end, it's only a passing thing, this shadow. Even darkness must pass. A new day will come. And when the sun shines it will shine out the clearer. Those were the stories that stayed with you. That meant something, even if you were too small to understand why. But I think, Mr. Frodo, I do understand. I know now. Folk in those stories had lots of chances of turning back only they didn't. Because they were holding on to something.
Frodo: What are we holding on to, Sam?
Sam: There's some good in this world, Mr. Frodo. And it's worth fighting for

Sam Wise and Frodo Baggins, From the Lord the Rings

pano kung maubusan na akoh ng good things?! Sa katunayan ubos na nga... in the first place dapat wla aq sa mga problema na thoh.. kya lng lagi aq n lng na iipit sa huli...asar!! cguro wla kau maintindihan anoh?! pati ung mga pinaglalaban koh ayw na nila... cla nga mismo ngsasabi na "tama na, pahinga ka na"... "ayaw ko na"... asar tlga...MANHID!!!!!

Bakit may tanga sa mundong ibabaw?!?

March 07, 2007

happy? nah!!! naranasan nio na ba ung feeling ng mgb-day ka... den hindi masaya... owww... last march 07 sumapit muli ako sa kaarawan ko... but buong araw di ko man lng nramdaman na sumaya ako.... BHELAT!!! bukod kay nanay na sa txt lng bumati eh wla man lng bumati sa akin ng "HAPPY B-DAY!!!" ung mga inaasahan ko na babati sa akin eh ndi man lng ngparamdam... sabayan mo pa ng pgiging preso mo sa loob ng campus... tadtad ng trabaho... daming requirments na dapat ipasa sa prof... walang makain dahil ndi nalodan sa CAF(sarap ng buhay hehehehe)... Ganun pa man, tiwala parin ako na may babati sa akin kinabukasan...pero wla pa rin... WALA BA KAUNG LOD?!?! TINATAMAD BA KAU MAGSALITA SA HARAP KO NG HAPPY B-DAY!!?... tapos may dumating sa celpone ko na msg galing sa di ko kilalang tao... nkalagay dun "PANGIT NG PROFILE MO SA FRIENDSTER" ... ndi ko na xa nireplyan dahil ayaw ko mamulubi sa lod dahil lng sa cute ang profile nia... bagkus nglog-in n lng ako kinahapunan.... whahahaha dami message puro "HAPPY B-DAY".... sbi ko sa sarili ko... TANGA TLGA AKO NOH?!